Arvad
Sa makahulang panambitan ni Ezekiel tungkol sa Tiro, may binanggit na mga lalaki mula sa Arvad na naglingkod bilang mga dalubhasang tagapagsagwan sa hukbong-dagat ng Tiro at bilang magigiting na mandirigma sa hukbo nito. (Eze 27:8, 11) Ipinapalagay na ang Arvad ay ang maliit at mabatong pulo na tinatawag sa ngayon na Arwad, na mga 3 km (2 mi) mula sa baybayin ng hilagang Sirya at mga 186 na km (116 na mi) sa HHS ng Tiro. Ang mga tumatahan doon ay mga inapo ni Canaan.—Gen 10:15, 18.