Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Asbel, Mga Asbelita

Asbel, Mga Asbelita

Si Asbel ay isang anak ni Benjamin, nakatala bilang ikatlo sa Genesis 46:21, ngunit ikalawa sa 1 Cronica 8:1. Noong 1728 B.C.E., pumaroon siya sa Ehipto kasama ng pamilya ni Jacob. Lumilitaw na tinatawag siyang Jediael sa 1 Cronica 7:6, 10. Ang mga Asbelita, na kaniyang mga inapo, ay inirehistro sa sensus na kinuha sa mga disyertong kapatagan ng Moab noong mga 1473 B.C.E.​—Bil 26:38.