Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ashurita

Ashurita

Isang grupo ng mga tao na naging sakop ng haring si Is-boset, na anak ni Saul. Sa 2 Samuel 2:9 ay nakatala sila sa pagitan ng Gilead at Jezreel. Ang Latin na Vulgate at Syriac na Peshitta ay kababasahan dito ng “mga Gesurita,” samantalang ang nasa mga Targum naman ay “mga Aserita.” (Ihambing ang Huk 1:32.) Ang pangalang Asurim ay ginamit sa Genesis 25:3, ngunit doon ay tumutukoy ito sa Arabeng mga inapo ni Abraham sa pamamagitan ni Dedan.​—Tingnan ang SIPRES.