Asima
Isang bathalang sinamba ng mga taong mula sa Hamat na pinamayan sa Samaria ng hari ng Asirya matapos niyang dalhin sa pagkabihag ang mga Israelita. (2Ha 17:24, 30) Ayon sa Babilonyong Talmud (Sanhedrin 63b), si Asima ay inilalarawan bilang isang kambing na lalaki na walang balahibo, at dahil dito’y iniuugnay ng ilan si Asima kay Pan, isang pastoral na diyos ng pag-aanak. Ipinapalagay rin ng iba na nabuo ang pangalang Asima bilang resulta ng sinadyang pagbago sa “Asera” (ang Canaanitang diyosa ng pag-aanak) at pagtatambal nito sa salitang Hebreo na ʼa·shamʹ (“pagkakasala”; Gen 26:10). Gayunman, walang masasabi nang tiyakan hinggil dito maliban sa kung ano ang nakasaad sa Bibliya.