Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Asir

Asir

[posible, Bilanggo].

1. Isang Levitang ipinanganak sa Ehipto at isa sa mga anak ni Kora.​—Exo 6:24; 1Cr 6:22.

2. Ang 1 Cronica 6:23, 37 ay waring nagpapahiwatig na may isa pang Asir na anak o inapo ni Ebiasap.

Ginamit ng King James Version ang pangalang Asir sa 1 Cronica 3:17; gayunman, sa maraming makabagong salin (AS-Tg, AT, BSP, MB, Mo, NW, Ro, RS) ay itinuturing ang salitang Hebreo rito hindi bilang pangalang pantangi kundi bilang isang pananalita na naglalarawan kay Jeconias (Jehoiakin) bilang isang bihag o bilanggo sa Babilonya. (2Ha 24:12-15; 25:27-30) Kaayon nito, ang Bagong Sanlibutang Salin ay kababasahan: “At ang mga anak ni Jeconias bilang bilanggo [ʼas·sirʹ] ay si Sealtiel . . .”