Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Asna

Asna

1. Isang bayan ng Juda sa Sepela na binanggit kasama ng iba pang mga lunsod, kabilang na ang Estaol at Zora. (Jos 15:33) Ipinapalagay na ito ang nayon ng ʽAslin, na nasa pagitan ng Estaol at Zora, malapit sa gilid ng baybaying kapatagan ng Juda.

2. Isa pang bayan ng Juda, na nakatalang kabilang sa siyam na lunsod at maliwanag na nasa mas dako pang T kaysa sa unang Asna. (Jos 15:43) Hindi matiyak ang lokasyon nito sa ngayon. Ipinapalagay ng ilan na ito ang Idhna, na nasa kalagitnaan ng Hebron at ng Lakis, at mga 8 km (5 mi) sa STS ng Maresa, na lumilitaw rin sa talaang iyon.