Asos
Isang daungang bayan sa Misia sa H baybayin ng Gulpo ng Adrameto, samakatuwid ay bahagi ng Romanong probinsiya ng Asia. Sa ngayon ay kilala ang lugar na ito bilang Behramkale (dating Behramköy).
Noong ikatlong paglalakbay ng apostol na si Pablo bilang misyonero, tumigil siya sa Troas nang pabalik na siya sa Jerusalem. Mula sa Troas ay tinagubilinan niya si Lucas at ang iba pa niyang mga kasamahan na lumulan sa barko patungong Asos, kung saan niya pinaplano na muling makasama sila. Dahil lumibot pa ang barko sa Cape Baba (Lectum) upang makarating sa Asos (na nasa kabilang panig ng lungos mula sa Troas), nalakad ni Pablo ang mas maikling distansiya (mga 32 km; 20 mi) at nakarating pa rin siya sa Asos sa tamang panahon upang makalulan sa barko, na naglayag naman patungong Mitilene na nasa pulo ng Lesbos, sa T ng Asos.—Gaw 20:6, 13, 14.