Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Aspenaz

Aspenaz

Ang pangalan ng punong opisyal ng korte sa Babilonya noong panahon ng paghahari ni Nabucodonosor. (Dan 1:3) Maliwanag na pinangasiwaan niya ang kalipunan ng mga bating ngunit hindi ito nangangahulugang siya mismo ay bating. Ang isa sa kaniyang mga tungkulin ay ang pagsasanay sa mga kabataan na maglilingkod bilang mga utusan ng monarka.