Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Aspid

Aspid

[sa Gr., a·spisʹ].

Isang pangalan na karaniwang ginagamit sa ngayon para sa ilang di-magkakamag-anak na makamandag na ahas.

Ang salitang “aspid” ay lumilitaw nang minsan sa Banal na Bibliya, sa Roma 3:13, kung saan ang apostol na si Pablo, bilang pagtukoy sa mga makasalanan, ay nagsabi: “Kamandag ng mga aspid ang nasa likod ng kanilang mga labi.” Dito ay sumisipi ang apostol mula sa Awit 140:3: “Ang kamandag ng may-sungay na ulupong ay nasa ilalim ng kanilang mga labi.” Kung gayon, malamang na ang mga aspid na tinutukoy sa Roma 3:13 ay mga may-sungay na ulupong.​—Tingnan ang ULUPONG, MAY-SUNGAY NA.