Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Atai

Atai

[pinaikling anyo ng Ataias].

1. Apo ni Sesan na isang inapo ni Juda sa pamamagitan ni Hezron. Mga babae lamang ang naging anak ni Sesan, at ang isa sa mga ito ay ibinigay niya upang mapangasawa ng kaniyang aliping Ehipsiyo na si Jarha, na ama ni Atai. Si Atai naman ang ama ng isang nagngangalang Natan.​—1Cr 2:25, 34-36.

2. Isa sa 11 magigiting na Gadita na tumawid sa umaapaw na Jordan upang sumama sa hukbo ni David sa ilang.​—1Cr 12:8, 11-15.

3. Ikalawa sa apat na anak na isinilang kay Rehoboam ng paborito niyang asawa na si Maaca, na apo ni Absalom. Samakatuwid, si Atai ay apo ni Solomon at kapatid ni Haring Abias (Abiam).​—2Cr 11:20, 21.