Atarot
[Mga Korona [samakatuwid nga, pabilog na mga kulungan]].
1. Isang bayan sa S panig ng Jordan, at kabilang sa mga hiniling ng mga tribo nina Gad at Ruben upang maging kanilang pag-aari. Ang seksiyong ito ay itinuring na angkop na angkop sa mga alagang hayop ng mga tribong ito. (Bil 32:1-5) Nang maglaon, ang bayan ay muling itinayo ng mga Gadita.—Bil 32:34.
Binabanggit din sa Batong Moabita ni Haring Mesa ang lugar na iyon, sa taludtod 10 at 11 ng inskripsiyong ito. Sinasabi sa isang bahagi nito: “Ngayon ang mga tao ng Gad ay matagal nang nananahanan sa lupain ng Atarot, at itinayo ng hari ng Israel ang Atarot para sa kanila; ngunit nakipaglaban ako sa bayan at kinuha ko iyon at pinatay ko ang lahat ng tao ng bayan . . . At ibinalik ko mula roon si Arel (o Oriel), ang pinuno nito . . . at pinamayan ko roon ang mga tao ng Saron at ang mga tao ng Maharith.”—Ancient Near Eastern Texts, inedit ni J. B. Pritchard, 1974, p. 320.
Bil 32:3). Ang mga guho nito ay nasa K dalisdis ng isang bundok na may gayunding pangalan at mga 750 m (2,500 piye) ang taas. Bagaman ang lokasyong ito ay nasa loob ng teritoryo ng Ruben, lumilitaw na bahagyang magkabahagi sa teritoryo ang mga tribo nina Gad at Ruben.
Karaniwang ipinapalagay na ang lokasyon ng lugar na ito ay ang makabagong-panahong Khirbet ʽAttarus, na nasa S ng Dagat na Patay at mga 13 km (8 mi) sa HK ng Dibon (binanggit kasunod ng Atarot sa2. Isang bayan na nasa hangganan sa pagitan ng mga teritoryo ng Efraim at Benjamin. (Jos 16:2) Maliwanag na ito rin ang Atarot-addar na tinutukoy sa Josue 16:5 at 18:13. Sa huling nabanggit na talata, inilalarawan ito bilang bahagi ng H hangganan ng Benjamin at “nasa bundok na nasa timog ng Mababang Bet-horon.”
3. Isang bayan sa HS hangganan ng tribo ni Efraim.—Jos 16:7.