Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Avim

Avim

1. Ang mga unang nanirahan sa bahagi ng lupain ng Canaan na nasa gawing K patungong Gaza. Apatnapung taon pagkatapos ng Pag-alis, inilahad ni Moises kung paanong itinaboy ng mga Captorim ang karamihan sa mga Avim. (Deu 2:23) Noong malapit nang mamatay si Josue, mga kalagitnaan ng ika-15 siglo B.C.E., may nalalabi pa ring mga Avim doon.​—Jos 13:1, 3.

2. Isang lunsod ng Benjamin, na nakatala sa pagitan ng Bethel at Para sa Josue 18:21-23. Maaaring tinirahan ito ng nalabing mga miyembro ng tribo ng mga Avim. Ipinapalagay na ito ay ang Khirbet Haiyan (Horvat Hayan), mga 4 na km (2.5 mi) sa STS ng Bethel (Beitin), ayon kay F.-M. Abel.​—Géographie de la Palestine, Paris, 1938, Tomo II, p. 257.