Avit
Ang maharlikang lunsod at sariling bayan ni Hadad, ikaapat na hari ng mga Edomita, na tumalo sa mga Midianita sa pagbabaka. (Gen 36:35; 1Cr 1:46) Ipinapalagay ng ilan na ito ay ang Khirbet el-Jiththeh, na nasa sinaunang teritoryong Edomita sa pagitan ng Maʽan at Khirbet el-Bastah, mga 100 km (62 mi) sa TTS ng Dagat na Patay. Ang bundok doon na may gayunding pangalan (Jebel el-Jiththeh) ay may taas na 1,332 m (4,370 piye).