Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Avita, Mga

Avita, Mga

Mga naninirahan sa Ava, kasama sa mga taong pinamayan ng mga Asiryano sa Samaria bilang kahalili ng itinapong mga Israelita matapos nilang bihagin ito noong 740 B.C.E. (2Ha 17:24) Ang lahat ng mga inilipat doon ay tinawag na mga Samaritano. Kahit natuto ang mga Avita na matakot kay Jehova sa paanuman, ginawa pa rin nila ang mga diyos na sina Nibhaz at Tartak at sinamba ang mga iyon.​—2Ha 17:29-33; tingnan ang AVA.