Ayin
[ע].
Ang ika-16 na titik ng alpabetong Hebreo. Hinalaw sa ayin ang Griegong patinig na oʹmi·kron (“o”). Gayunman, ang titik Hebreong ito ay hindi isang patinig kundi isang katinig. Kumakatawan ito sa isang kakaibang paimpit na tunog na binibigkas sa likuran ng lalamunan at wala itong katumbas sa Tagalog. Tinutumbasan ito ng transliterasyong ʽ. Sa tekstong Hebreo, lumilitaw ito bilang ang unang titik sa bawat talata ng Awit 119:121-128.