Azarel
[Ang Diyos ay Tumulong].
1. Isa sa makapangyarihang mga lalaki na sumama kay David sa Ziklag.—1Cr 12:1, 6.
2. Ulo ng ika-11 sa 24 na pangkat ng mga mang-aawit sa templo noong panahon ni David; tinatawag ding Uziel.—1Cr 25:1, 4, 18.
3. Anak ni Jeroham at prinsipe ng tribo ni Dan sa ilalim ng pamamahala ni David.—1Cr 27:22; 28:1.
4. Isa sa mga inapo ni Binui na nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak dahil sa paghimok ni Ezra.—Ezr 10:19, 38-41, 44.
5. Ama o ninuno ni Amashai na nanahanan sa Jerusalem sa ilalim ng pamamahala ni Gobernador Nehemias. Siya ay mula sa makasaserdoteng sambahayan ni Imer.—Ne 11:1, 13.
6. Isang manunugtog sa prusisyong pinangunahan ni Ezra habang naglalakad sila sa ibabaw ng muling-itinayong pader ng Jerusalem noong pasinayaan ito. Marahil ay siya rin ang Blg. 5.—Ne 12:31, 36.