Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Azel

Azel

[Taong Bantog].

1. Isang inapo ni Saul sa pamamagitan ni Jonatan; nagkaroon siya ng anim na anak na lalaki.​—1Cr 8:33-38; 9:43, 44.

2. Isang lugar na binanggit sa Zacarias 14:5 bilang ang dako kung saan aabot ang libis bilang resulta ng inihulang pagkabiyak ng Bundok ng mga Olibo. Sa gayon ay malamang na tumutukoy ito sa isang lugar na malapit sa Jerusalem, at maaaring mababanaag ang pangalang ito sa pangalan ng Wadi Yasul (Nahal Azal), na umaagos patungong Libis ng Kidron mula sa Bundok ng mga Olibo.