Azriel
[Ang Diyos ang Aking Pagsaklolo].
1. Ama ng prinsipeng si Jerimot, sa tribo ni Neptali, noong panahon ni David.—1Cr 27:19, 22.
2. Isang ulo ng sambahayan na mula sa kalahati ng tribo ni Manases na nasa S ng Jordan, isa sa “magigiting, makapangyarihang mga lalaki” na ang mga inapo ay pinahintulutan ng Asiryanong haring si Tiglat-pileser III na madala sa pagkatapon dahil bumaling sila sa pagsamba sa huwad na mga diyos.—1Cr 5:23-26.
3. Ama ni Seraias, na isa sa tatlong inutusan upang arestuhin sina Baruc at Jeremias.—Jer 36:26.