Baal-zepon
[May-ari ng Hilaga (Hilagang Hangganan)].
Isang heograpikong dako na ginamit upang matukoy ang kinaroroonan ng lugar na pinagkampuhan ng mga Israelita sa Pihahirot bago sila tumawid sa Dagat na Pula. (Exo 14:2; Bil 33:1-7) Pagkaalis sa Rameses, nagkampo muna sila sa Sucot, pagkatapos ay sa Etham “sa gilid ng ilang.” (Exo 13:20) Sa pagkakataong ito ay sinabihan sila ni Jehova na ‘bumalik at magkampo sa harap ng Pihahirot sa pagitan ng Migdol at ng dagat sa tapat ng Baal-zepon.’ Dito sila inabutan ng mga tagapagpatakbo ng karo, mga mangangabayo, at mga hukbong militar ni Paraon.—Exo 14:2, 9.
Hindi matiyak kung saan ang lokasyon ng Baal-zepon. Maliwanag na ito ay isang pamilyar na lugar noong panahong iyon. Sabihin pa, ang pangunahing salik na nauugnay dito ay ang pagtawid ng mga Israelita sa Dagat na Pula, anupat ipinakikita ng ulat na dumaan sila sa isang dakong napakalalim ng tubig. Masusumpungan lamang ang gayong kalagayan PAG-ALIS; PIHAHIROT.
di-kalayuan sa gawing T ng dulong hilaga ng Gulpo ng Suez. Batay rito, iniuugnay ng ilang iskolar ang Baal-zepon sa kabundukan sa rehiyong iyon. Sinasabi ng A Hebrew and English Lexicon of the Old Testament, nina Brown, Driver, at Briggs (1980, p. 128) na ito ay “malapit sa Dagat na Pula sa Ehipto, malamang na ang Bdk. ʽAtaka.” Ang bundok na ito ay malapit sa pinakaulo ng Gulpo ng Suez, di-kalayuan sa TK ng kasalukuyang lunsod ng Suez. Iminumungkahi naman ng iba ang Jebel el Galala, humigit-kumulang 40 km (25 mi) sa dako pang T. Yaong mga pabor sa lugar na ito ay naniniwalang ang Migdol, na binanggit sa mga ulat kasama ng Baal-zepon, ay isang bantayan na nasa estratehikong lokasyon sa Jebel (Bundok) ʽAtaqah.—Tingnan ang