Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Baala

Baala

[Dako ng Among Babae].

1. Isang lunsod sa H hanggahan ng Juda, na tinatawag ding Kiriat-baal ngunit mas kilalá bilang Kiriat-jearim. Ipinapalagay na ito ang Deir el-ʽAzar (Tel Qiryat Yeʽarim), mga 13 km (8 mi) sa KHK ng Jerusalem.​—Jos 15:9, 10, 60; 18:14; 1Cr 13:6; tingnan ang KIRIAT-JEARIM.

2. Isang bundok sa HK sulok ng Juda, sa pagitan ng mga bayan ng Sikeron at Jabneel, na bahagi ng H hangganan ng teritoryo ng Juda. (Jos 15:11) Posibleng ito ang burol ng Mughar na nasa bandang H ng agusang libis ng Sorek at 3 km (mga 2 mi) sa STS ng Jabneel (makabagong Yavne).

3. Isang bayan sa rehiyon ng Negeb ng Juda (Jos 15:29), maliwanag na tinutukoy bilang Bala sa Josue 19:3 at Bilha sa 1 Cronica 4:29. Nang dakong huli, itinalaga ito sa tribo ni Simeon bilang isang nakapaloob na lunsod. Hindi alam kung saan ang espesipikong lokasyon nito, ngunit maliwanag na ito ay nasa TS ng Beer-sheba.