Baalat
[Dako ng Among Babae].
Isang bayan sa hanggahan ng orihinal na teritoryo ng Dan; binanggit ito sa Josue 19:44, 45 sa pagitan ng Gibeton at Jehud. Maliwanag na iyon din ang dako na nang maglaon ay isinama ni Solomon sa kaniyang programa ng muling pagtatayo. (2Cr 8:5, 6) Hindi matiyak ang heograpikong lokasyon nito; sinasabi ni Josephus (Jewish Antiquities, VIII, 152 [vi, 1]) na ang lugar na ito, pati na ang Bet-horon, ay di-kalayuan sa Gezer, isa pang nakukutaang lunsod.—1Ha 9:17, 18.