Baalis
Hari ng Ammon na nagsugo kay Ismael upang paslangin si Gobernador Gedalias ng Juda noong 607 B.C.E. Sa Griegong Septuagint, ang baybay ng pangalang ito ay “Belisa.”—Jer 40:14.
Noong 1984, sa mga paghuhukay sa Tell el-ʽUmeiri sa Jordan, may natuklasang isang marka ng pantatak na may pangalang Baʽalyishʽa. Ang marka ng pantatak ay sinasabing nagmula noong huling bahagi ng ikapitong siglo B.C.E. Ang inskripsiyon doon na nakasulat sa sinaunang titik Ammonita ay kababasahan: “Kay Milkomʼor [o, Milkomʼur], lingkod ni Baʽalyishʽa.” Posibleng si Baʽalyishʽa ang Baalis ng Bibliya.