Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Baana

Baana

1. Isa sa 12 kinatawan na inatasan ni Solomon upang kumuha ng pagkain para sa sambahayan ng hari. Ang atas ni Baana ay ang ikalimang nakatalang distrito, pangunahin na ang matatabang libis ng Megido at Jezreel. Anak ni Ahilud; posibleng kapatid ni Jehosapat na tagapagtala ni Solomon.​—1Ha 4:3, 7, 12.

2. Isa pa sa 12 kinatawan na inatasan ni Solomon para maglaan ng pagkain, na nangangasiwa sa ikasiyam na nakatalang distrito, sa hilagang Palestina. Anak ni Husai, na kaibigan ni David.​—1Ha 4:7, 16; 2Sa 15:32-37.

3. Ama ng Zadok na tumulong kay Nehemias na magkumpuni ng mga pader ng Jerusalem noong 455 B.C.E.​—Ne 3:3, 4.