Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Baanah

Baanah

1. Isang anak ni Rimon na Benjamita. Siya at ang kaniyang kapatid na si Recab ay mga pinuno ng mga pangkat ng mandarambong sa ilalim ng anak ni Saul na si Is-boset. Pinaslang ni Baanah at ng kaniyang kapatid si Is-boset habang ito ay nagpapahinga, ngunit nang dalhin nila ang ulo nito kay David, na katatalaga lamang noon bilang hari, iniutos ni David na patayin sila, putulin ang kanilang mga kamay at mga paa, at ibitin sila sa tabi ng tipunang-tubig sa Hebron.​—2Sa 4:2-12.

2. Isang Netopatita, ama ng isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David na si Heleb (Heled).​—2Sa 23:29; 1Cr 11:30.

3. Isa na posibleng isang lider niyaong mga bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya kasama ni Zerubabel.​—Ezr 2:2; Ne 7:7.

4. Isa sa “mga ulo ng bayan” na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay nagpatotoo sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” ni Nehemias. (Ne 9:38; 10:14, 27) Maaaring siya rin ang Blg. 3.