Bakbukias
[Prasko ni Jah].
1. Isang Levita na bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel at naglingkod bilang isang bantay. (Ne 12:1, 9) Posibleng siya rin ang Blg. 2.
2. Isang Levitang bantay na itinala bilang ulo ng isang sambahayan sa panig ng ama.—Ne 12:23, 25; tingnan ang Blg. 1.
3. Isang Levita, posibleng mula sa mga mang-aawit, na pinili upang manirahan sa Jerusalem sa ilalim ng pamamahala ni Nehemias.—Ne 11:17, 18.