Bantay ng Pintuang-daan
Noong sinaunang panahon, ang mga bantay ng pintuang-daan, tinatawag ding bantay-pinto, ay naglilingkod sa iba’t ibang dako, halimbawa ay sa mga pintuang-daan ng lunsod, sa mga pintuang-daan ng templo, at maging sa mga pintuang-daan o pintuan ng mga tahanan. Tungkulin ng mga bantay ng mga pintuang-daan ng lunsod na tiyaking nakasara sa gabi ang mga pintuang-daan, at sila ang nagbabantay 2Sa 18:24, 26) Napakabigat na tungkulin ito, yamang nakasalalay nang malaki sa bantay ng pintuang-daan ang kaligtasan ng lunsod at siya’y nagsisilbi ring instrumento sa pakikipagtalastasan ng mga nasa labas at ng mga nasa loob ng lunsod. (2Ha 7:10, 11) Ang mga bantay-pinto ni Haring Ahasuero ay tinawag ding mga opisyal ng korte. Dalawa sa mga ito ang nagpakanang patayin siya.—Es 2:21-23; 6:2.
roon. Ang ibang mga bantay ay maaari namang ilagay bilang mga tanod sa ibabaw ng mga pintuang-daan o sa isang tore kung saan makikita nila nang malawakan ang paligid at maipapatalastas nila yaong mga papalapit sa lunsod. Nakikipagtulungan din sila sa bantay ng pintuang-daan. (Sa Templo. Nang malapit nang mamatay si Haring David, inorganisa niya ang mga Levita at ang mga manggagawa sa templo, kabilang na rito ang mga bantay ng pintuang-daan, na 4,000. Pumapasok sila, ayon sa kani-kanilang pangkat, nang tigpipitong araw. Pananagutan nilang bantayan ang bahay ni Jehova at tiyaking nakabukas at nakasara ang mga pinto nito sa tamang mga panahon. (1Cr 9:23-27; 23:1-6) Bukod sa pagbabantay, inaasikaso rin ng ilan ang mga abuloy na dinadala ng bayan para sa templo. (2Ha 12:9; 22:4) Nang pahiran ni Jehoiada na mataas na saserdote si Jehoas bilang hari, may pantanging mga bantay na itinalaga sa mga pintuang-daan ng templo upang protektahan ang batang si Jehoas laban sa mang-aagaw ng kapangyarihan na si Reyna Athalia. (2Ha 11:4-8) Noong pawiin ni Haring Josias ang idolatrosong pagsamba, tumulong ang mga bantay-pinto sa pag-aalis ng mga kagamitang ginamit sa pagsamba kay Baal mula sa templo. Pagkatapos ay sinunog ang mga iyon sa labas ng lunsod.—2Ha 23:4.
Noong narito sa lupa si Jesu-Kristo, ang mga saserdote at mga Levita ay inatasan bilang mga bantay-pinto at mga bantay sa templong muling itinayo ni Herodes. Dapat silang maging mapagbantay, yamang ang tagapangasiwa o opisyal ng Gulod ng Templo ay lumilibot, anupat bigla na lamang dumarating sa di-inaasahang mga oras, at dapat na manatiling gising ang isang bantay sa puwesto nito sa lahat ng panahon upang huwag itong mahuling di-handa. May isa pang opisyal na nangangasiwa naman sa pagpapalabunutan para sa mga paglilingkod sa templo. Kapag siya’y dumating at kumatok sa pinto, kailangang gising ang bantay upang mapagbuksan siya nito. Maaari rin niyang mahuling natutulog ang bantay. Hinggil sa pananatiling gising, ganito ang sinasabi ng Mishnah (Middot 1:2): “Ang opisyal ng Gulod ng Templo ay lumilibot sa bawat bantay anupat may nakasinding mga sulo sa kaniyang harapan, at kung may sinumang bantay na hindi tumayo at magsabi, sa kaniya, ‘O opisyal ng Gulod ng Templo, sumaiyo nawa ang kapayapaan!’ at maliwanag na ito’y natutulog, hahampasin niya ito ng kaniyang baston, at may karapatan siyang sunugin ang kasuutan nito.”—Isinalin ni H. Danby; tingnan din ang Apo 16:15.
Ang mga bantay ng pintuang-daan at mga bantay ay inilagay sa kani-kanilang puwesto upang ingatan ang templo laban sa mga magnanakaw at upang huwag makapasok doon ang mga taong marumi at ang sinumang walang lehitimong sadya roon.
Sa mga Tahanan. Noong mga araw ng mga apostol, sa ilang mga tahanan ay may mga naninilbihang bantay-pinto. Sa bahay ni Maria na ina ni Juan Marcos, isang alilang babae na nagngangalang Roda ang tumugon nang kumatok si Pedro noong bumalik ito mula sa bilangguan matapos palayain ng isang anghel. (Gaw 12:12-14) Ang babaing bantay-pinto sa tahanan ng mataas na saserdote ay nagtanong kay Pedro kung isa siya sa mga alagad ni Kristo.—Ju 18:17.
Mga Pastol. Noong panahon ng Bibliya, pinananatili ng mga pastol ang kanilang mga kawan ng tupa sa mga kulungan kapag gabi. Ang mga kulungang ito ng tupa ay mabababang batong pader na may pintuang-daan. Ang mga kawan ng isang tao, o kung minsan ng ilang tao, ay pinananatili sa mga kulungang ito kapag gabi, at binabantayan at ipinagsasanggalang ng isang bantay-pinto. Maliwanag na ang kaugaliang ito ang pinagbatayan ni Jesus ng kaniyang ilustrasyon nang bumanggit siya ng isang bantay-pinto at tukuyin niya ang kaniyang sarili bilang pastol ng mga tupa ng Diyos at bilang pinto na sa pamamagitan niyao’y makapapasok ang mga tupa.—Ju 10:1-9.
Mga Kristiyano. Idiniin ni Jesus na ang mga Kristiyano ay kailangang maging mapagbantay at patuloy na magbantay may kinalaman sa pagdating niya bilang tagapuksa ni Jehova. Inihalintulad niya ang mga Kristiyano sa bantay-pinto na inutusan ng kaniyang panginoon na patuloy na magbantay at magmasid sa pagbabalik nito mula sa paglalakbay sa ibang bayan.—Mar 13:33-37; tingnan ang BANTAY; PINTUANG-DAAN.