Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Barsabas

Barsabas

Maaaring ito ay isang apelyido o isa lamang idinagdag na pangalan na ibinigay sa dalawang indibiduwal: kay Jose, na may huling pangalang Justo, ang kandidatong hindi napili para sa pagka-apostol na nabakante ni Hudas Iscariote; at kay Hudas, na sumama kina Pablo, Bernabe, at Silas mula sa Jerusalem patungong Antioquia noong mga 49 C.E. Walang katibayan na ang dalawang lalaking ito ay magkapatid.​—Gaw 1:23; 15:22; tingnan ang HUDAS Blg. 7; JOSE Blg. 11.