Bayawak-buhangin
[sa Heb., choʹmet; sa Ingles, sand lizard].
Hindi matiyak kung ano ang maruming “nagkukulupong nilalang” na tinutukoy ng terminong Hebreo na choʹmet. (Lev 11:30, 31) Ang mga salin ng Griegong Septuagint at ng Latin na Vulgate ay tumuturo sa isang uri ng bayawak, at ang salitang iyon ay isinalin sa iba’t ibang paraan bilang “bayawak-buhangin” (AS, JP, NW, RS), “hunyango” (AT), at “susô” (KJ). Posibleng ito ay isang bubuli.—Tingnan ang BAYAWAK.