Bebai
1. Isang ulo ng sambahayan na ang mga inapo, mahigit na 600, ay bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. (Ezr 2:1, 2, 11; Ne 7:16) Dalawampu’t siyam pang inapo niya ang pumaroong kasama ni Ezra noong 468 B.C.E. (Ezr 8:11) Apat sa unang grupo ang kumuha ng mga asawang banyaga, ngunit pinaalis nila ang mga iyon dahil sa paghimok ni Ezra.—Ezr 10:28, 44.
2. Isang prominenteng tao o isang kinatawan ng mga anak ni Bebai (Blg. 1), na nagpatotoo sa kasunduan ng katapatan na iniharap ni Nehemias.—Ne 9:38; 10:1, 15.