Beelzebub
[posibleng isang binagong anyo ng Baal-zebub, nangangahulugang “May-ari ng mga Langaw,” ang Baal na sinamba ng mga Filisteo sa Ekron. Kung minsan, Beelzeboul at Beezeboul, posibleng nangangahulugang “May-ari ng Marangal na Tahanan (Tirahan),” o kaya naman ay “May-ari ng Dumi” kung ginamit bilang katunog ng di-Biblikal na salitang Heb. na zeʹvel (dumi)].
Ang “Beelzebub” ay isang katawagang tumutukoy kay Satanas na prinsipe o tagapamahala ng mga demonyo. May-kapusungang pinaratangan ng mga lider ng relihiyon si Jesu-Kristo na nagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub.—Mat 10:25; 12:24-29; Mar 3:22-27; Luc 11:15-19; tingnan ang BAAL-ZEBUB.