Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Beltesasar

Beltesasar

[mula sa wikang Akkadiano, nangangahulugang “Ipagsanggalang ang Buhay ng Hari”].

Ang pangalang Babilonyo na ibinigay kay Daniel pagkaraan siyang dalhin sa pagkatapon noong 617 B.C.E.​—hindi dapat ipagkamali kay Belsasar. (Dan 1:7) Ang pangalan ay maliwanag na pinaikling anyo ng isang pagsusumamo kay Bel at sa gayon ay pinili, gaya ng sinabi ni Nabucodonosor, “ayon sa pangalan ng aking diyos.” (Dan 4:8; 5:12) Maliwanag na ang layunin ay upang ipatupad ang naturalisasyon ni Daniel at ilayo siya mula sa pagsamba kay Jehova. Gayunman, tinutukoy pa rin siya ng mga Babilonyo sa kaniyang pangalang Daniel.​—Dan 4:18, 19; 5:12, 13; tingnan ang DANIEL Blg. 2.