Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ben

Ben

[Anak na Lalaki].

1. Isang Levitang manunugtog noong mga araw ni David na kasama sa mga naghatid sa kaban ng tipan patungong Jerusalem.​—1Cr 15:15, 18.

2. Ang unlaping Hebreo na ben ay kadalasang lumilitaw sa mga pangalang gaya ng Benjamin (nangangahulugang “Anak ng Kanang Kamay”) o Ben-ami (nangangahulugang “Anak ng Aking Bayan [samakatuwid nga, mga kamag-anak]”). Katumbas ito ng bar sa mga pangalang Aramaiko gaya ng Barnabas (sa Tagalog, Bernabe; nangangahulugang “Anak ng Kaaliwan”). (Gaw 4:36) Malimit din itong gamitin upang tumukoy sa iba pang mga kaugnayan bukod sa kaugnayan sa magulang, gaya ng sa lahi, “mga anak ni [benehʹ] Israel,” “mga anak ng mga Cusita” (2Cr 35:17; Am 9:7); lokasyon, “mga anak ng nasasakupang distrito” (Ezr 2:1); o kalagayan, “mga anak ng kabataan,” “mga anak ng kalikuan” (Aw 127:4; Os 10:9).