Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bera

Bera

Hari ng Sodoma na tinalo ni Kedorlaomer at ng kaniyang mga kaalyado sa Mababang Kapatagan ng Sidim. (Gen 14:1-11) Tinugis ni Abraham ang mga nanlupig upang palayain ang kaniyang pamangkin na si Lot, binawi ang mga samsam, at ibinalik ang mga iyon sa hari ng Sodoma sa halip na kunin para sa kaniyang sarili. Ayon kay Abraham, ginawa niya ito upang hindi maipaghambog ng hari ng Sodoma: “Ako ang nagpayaman kay Abram.”​—Gen 14:14-24.