Beraca
[Pagpapala].
1. Isa sa makapangyarihang mga lalaki na bihasa sa paggamit ng busog, mula sa tribo ni Benjamin, na sumama kay David sa Ziklag. Ito ay noong hindi pa makakilos si David dahil kay Saul.—1Cr 12:1-3.
2. Isang mababang kapatagan sa Juda na nasa pagitan ng Betlehem at Hebron. Sa ngayon, ipinapalagay na ito ang Wadi el-ʽArrub, at waring napanatili sa pangalan ng kalapit na Khirbet Bereikut (Berakhot) ang orihinal na pangalan. Ang libis na ito ay mula sa S patungong K, anupat pinag-uugnay nito ang maburol na lupain ng Juda at ang lugar ng ilang sa K ng Dagat Asin.
Pagkatapos ng makahimalang tagumpay laban sa pinagsama-samang mga hukbo ng Ammon, Moab, at Edom, tinipon ni Jehosapat ang bayan sa mababang kapatagang ito upang pagpalain si Jehova, at dahil dito ay pinangalanan itong Mababang Kapatagan ng Beraca (nangangahulugang “Pagpapala”).—