Bered
[Graniso].
1. Isang apo ni Efraim sa pamamagitan ni Sutela.—1Cr 7:20.
2. Isang lugar sa timugang Palestina na binanggit sa ulat tungkol sa pagtakas ni Hagar mula kay Sarai. Ang balon ng Beer-lahai-roi, kung saan tumigil si Hagar, ay nasa ilang sa pagitan ng Bered at Kades, sa daang patungo sa Sur. (Gen 16:7, 14) Ang ilang ng Sur ay isang rehiyon sa TK ng Filistia at nasa daang patungo sa Ehipto, na maaaring nagpapahiwatig na si Hagar ay pabalik noon sa kaniyang sariling lupain.—Exo 15:22.