Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Berekias

Berekias

[Pinagpala ni Jehova].

1. Anak ni Simea sa linya ng angkan mula kay Levi sa pamamagitan ni Gersom. Ang anak ni Berekias na si Asap ay pangunahing lider ng mga mang-aawit na inatasan ni Haring David, at nagmula sa kaniya ang maraming sunud-sunod na salinlahi ng mga mang-aawit sa templo. Maaaring ang Berekias ding ito ang Blg. 2.​—1Cr 6:39; 15:17; 25:1-9; Ezr 2:41; Ne 7:44.

2. Isa sa apat na Levitang bantay ng pintuang-daan para sa Kaban noong si David ang hari. Maaaring siya rin ang Blg. 1.​—1Cr 15:23, 24.

3. Anak ni Mesilemot. (2Cr 28:12) Noong si Ahaz ang hari ng Juda, ang timugang kahariang ito ay dumanas ng matinding pagkatalo sa kamay ng hilagang kaharian, ngunit nang ang 200,000 ay dinadalang bihag sa Samaria, si Berekias at ang tatlo pang ulo ng Efraim ay kaagad na kumilos ayon sa payo ng propeta ni Jehova na si Oded. Bukod sa hinadlangan nila ang mga nanlupig mula sa pang-aalipin sa kanilang mga kapatid, dinamtan at pinakain din nila ang mga bihag at tinulungan ang mga ito na makabalik.​—2Cr 28:6-15.

4. Inapo ni David sa pamamagitan ni Solomon.​—1Cr 3:1, 10, 20.

5. Isang Levita na nabuhay pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya; anak ni Asa.​—1Cr 9:16.

6. Anak ni Mesezabel. Ang anak ni Berekias na si Mesulam ay tumulong sa muling pagtatayo ng mga pader ng Jerusalem noong panahon ni Nehemias, at napangasawa ng kaniyang apong babae ang anak ni Tobia.​—Ne 3:4, 30; 6:17, 18.

7. Anak ng propetang si Ido at ama ng propetang si Zacarias.​—Zac 1:1, 7.