Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Berias

Berias

[May Kapahamakan].

1. Ang ikaapat na nakatalang anak ni Aser. Kasama siya sa sambahayan ni Jacob na pumaroon sa Ehipto, at marahil pati ang kaniya mismong dalawang anak na sina Heber at Malkiel. (Gen 46:8, 17) Siya at ang dalawa niyang anak ay nakatala bilang mga ninunong ulo ng pamilya, at ang mga Beriita ang kaniyang mga inapo.​—Bil 26:44, 45; 1Cr 7:30, 31.

2. Anak ni Efraim na ipinanganak pagkatapos na patayin ng mga lalaki ng Gat ang kaniyang nakatatandang mga kapatid. “Tinawag [ni Efraim na] Berias ang pangalan nito, sapagkat may kapahamakan [sa Heb., vera·ʽahʹ] noong naroon siya [ang ina ni Berias] sa kaniyang bahay.”​—1Cr 7:20-23.

3. Isa sa limang anak ni Elpaal at isa sa mga Benjamitang ulo ng pamilya na nagtaboy sa mga tumatahan sa Gat.​—1Cr 8:12, 13.

4. Ang huling binanggit na anak ni Simei, isang Levitang inapo ni Gerson. Si Berias at ang kaniyang kapatid na si Jeus ay ‘hindi nagkaroon ng maraming anak; kaya sila ay naging isang sambahayan sa panig ng ama ng isang nanunungkulang pangkat.’​—1Cr 23:6-11.