Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bestiyalidad

Bestiyalidad

Di-likas na seksuwal na pakikipagtalik ng isang lalaki o isang babae sa isang hayop. Mariing hinahatulan ng Kautusang Mosaiko ang lisyang gawaing ito, anupat sinesentensiyahan ng kamatayan ang taong nagkasala at ang hayop. “Kung ibibigay ng isang lalaki sa isang hayop ang kaniyang inilabas na semilya, siya ay papatayin nang walang pagsala, at papatayin ninyo ang hayop. At kung ang isang babae ay lumapit sa anumang hayop upang magpasiping doon, papatayin mo ang babae at ang hayop.”​—Lev 20:15, 16; 18:23; Exo 22:19; Deu 27:21.

Dahil sa pagbabawal na ito, kasama ng iba pa sa mga batas ng Diyos may kaugnayan sa seksuwal na pagtatalik, naging mas mataas ang moralidad ng mga Israelita kaysa sa kalapit nilang mga bansa. Sa Ehipto, ang bestiyalidad ay bahagi ng idolatrosong pagsamba sa hayop; halimbawa, pinatototohanan ng mga istoryador ang pagsiping ng mga babae sa mga kambing. Laganap din ang katulad na mga gawain sa mga Canaanita (Lev 18:23-30), at iniulat na gayundin sa Roma.

Ang balakyot na gawain ng bestiyalidad ay kalakip sa salitang Griegong por·neiʹa na isinasalin bilang “pakikiapid.” (Tingnan ang PAKIKIAPID.) Ang sinumang nagsasagawa ng gayong karumal-dumal na gawain ay marumi sa moral, at ang isang miyembro ng kongregasyong Kristiyano na nagsasagawa ng gayong gawain ay maaaring matiwalag.​—Efe 5:3; Col 3:5, 6.