Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bet

Bet

[ב].

Ang ikalawang titik sa alpabetong Hebreo. Ang katawagang ibinigay sa titik na ito ay nangangahulugang “bahay.”

Kapag nilagyan ng tuldok sa gitna ang titik Hebreong ito upang bigkasin nang matigas ang titik, mayroon itong labyal na tunog na kahawig ng “b.” Kung wala namang tuldok, mas malambot ang tunog nito anupat halos katunog ng “v,” gaya sa salitang “villa.”

Sa tekstong Hebreo, ang pambungad na salita ng bawat isa sa walong talata ng Awit 119:9-16 ay nagsisimula sa titik na ito, alinsunod sa istilong akrostik ng awit.​—Tingnan ang HEBREO, II.