Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bet-biri

Bet-biri

Isang bayan sa rehiyon ng Negeb ng Juda, na nakaatas sa mga anak ni Simeon. (1Cr 4:24, 31) Sa katulad na talaan ng mga bayan sa Josue 19:6, ang mababasa ay Bet-lebaot, at ipinapalagay ng ilan na ang Bet-biri ay maaaring isang pangalan ng lugar na iyon pagkaraan ng pagkatapon na ginamit ni Ezra nang isulat niya ang Mga Cronica. Ang pangalan nito ay maaaring napanatili sa pangalan ng Jebel el-Biri, isang bundok na mga 40 km (25 mi) sa TK ng Beer-sheba. Salig sa bagay na ito, sinasabi ng ilan na ang Bet-biri ay nasa bundok na iyon o malapit doon.​—Tingnan ang BET-LEBAOT.