Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bet-dagon

Bet-dagon

[Bahay ni Dagon].

1. Isang bayan sa teritoryong iniatas sa tribo ni Juda. (Jos 15:21, 41) Bagaman nakatala ito kasama ng iba pang mga bayan ng Sepela o rehiyon ng mababang lupain, ang ipinapalagay na lokasyon nito ay ang Kapatagan ng Filistia sa Khirbet Dajun, di-kalayuan sa TK ng makabagong Beit Dajan (Bet Dagan) at mga 10 km (6 na mi) sa TS ng Tel Aviv-Yafo. May kinalaman dito, mapapansin na ang iba pang mga lunsod sa kapatagan ng Filistia ay nakatala sa kasunod na mga talata. (Jos 15:45-47) Mangangahulugan ito na ang Bet-dagon ay isang nakapaloob na lunsod sa teritoryo ng Dan, na waring gaya rin ng Gedera.​—Jos 15:36.

2. Isang bayan sa teritoryo ng Aser, na maliwanag na nasa silanganing bahagi nito at malapit sa hanggahan nito sa Zebulon. (Jos 19:24, 27) Hindi tiyak ang lokasyon nito.