Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bet-ezel

Bet-ezel

Isang bayan, maliwanag na nasa Juda, na binanggit sa hula ni Mikas tungkol sa kapahamakang nakatakdang sumapit sa di-tapat na Samaria at Jerusalem. (Mik 1:11) Sa bahaging ito ng hula, paulit-ulit na gumamit ang propeta ng mga salitang katunog ng mga pangalan ng ilang bayan, anupat sa aktuwal ay sinasabi niya: “Sa bahay ng Apra [malamang na nangangahulugang “Alabok”] ay gumumon ka sa mismong alabok. Magdaan ka na nasa kahiya-hiyang kahubaran, O babaing tumatahan sa Sapir [nangangahulugang “Elegante; Pinakinis; Kaayaaya”]. Ang babaing tumatahan sa Zaanan ay hindi lumabas. Kukunin sa inyo ng paghagulhol ng Bet-ezel [nangangahulugang “Bahay sa Malapit (sa Tabi)”] ang kinatatayuan nito. Sapagkat ang babaing tumatahan sa Marot [mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “maging mapait”] ay naghintay ng kabutihan, ngunit yaong masama ang bumaba mula kay Jehova hanggang sa pintuang-daan ng Jerusalem.” (Mik 1:10-12) Sa babalang ito na patungkol sa mga nakatakdang dumanas ng kasakunaan, sa diwa ay sinasabi ng propeta sa kanila na ang paghagulhol ay aabot hanggang sa Jerusalem.

Bagaman hindi tiyak, ang Bet-ezel ay ipinapalagay na nasa lokasyon ng makabagong-panahong Deir el-ʽAsal, mga 16 na km (10 mi) sa KTK ng Hebron.