Bet-pelet
[Bahay ng Pagtakas].
Isang bayan sa timugang bahagi ng mana ng Juda. (Jos 15:21, 27) Kabilang ito sa mga Judeanong lunsod na muling pinanirahan pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya. (Ne 11:26) Kung pagbabatayan ang iba pang mga bayan na nakatalang kasama nito, matatagpuan ito sa kapaligiran ng Beer-sheba, ngunit hindi ito matiyak.