Bet-rapa
[Bahay ni Rapa].
Ang pangalang ito ay lumilitaw sa 1 Cronica 4:12 kung saan sinasabing ‘naging anak ni Eston si Bet-rapa.’ Dahil sa paggamit ng “Bet” (nangangahulugang “Bahay”) sa pangalang ito, iniisip ng maraming komentarista na tumutukoy ito sa isang sambahayan o sa isang lugar. Ang Commentary on the Old Testament nina Keil at Delitzsch (1973, Tomo III, 1 Chronicles, p. 88) ay nagsabi: “Kay Eston nagmula ang bahay (sambahayan) ni Rapa, na tungkol din sa kanila ay wala nang anupamang sinasabi; sapagkat hindi sila maaaring iugnay sa Benjamitang si Rapa (viii. 2) ni sa mga anak ni Rapa (xx. 4, 6, 8).”