Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bet-rehob

Bet-rehob

[Bahay ng Liwasan (Malawak na Dako)].

Maliwanag na ito ay pangalan ng isang maliit na kahariang Arameano, marahil ay partikular na ikinapit sa pangunahing lunsod nito. Sa ulat ng pagsalakay sa Lais ng 600 Danita, ang Lais ay inilalarawan na “nasa mababang kapatagan na nasa Bet-rehob.” (Huk 18:7, 28) Nang maglaon, noong panahon ni David, umupa ang mga Ammonita ng mga mersenaryong Siryano mula sa Bet-rehob sa isang nabigong pagsisikap na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga hukbong Israelita. (2Sa 10:6) Tinawag din itong “Rehob” (2Sa 10:8) at sa gayon ay ipinapalagay na siya ring lugar na binanggit na kabilang sa mga narating ng 12 tiktik na Israelita nang magsiyasat sila sa lupain ng Canaan.​—Bil 13:21.

Yamang ang Bet-rehob ay iniuugnay sa “mababang kapatagan” na kinaroroonan ng Lais (nang maglaon ay tinawag na Dan) at yamang sinasabi sa Bilang 13:21 na ang Rehob ay nasa direksiyon ng “pagpasok sa Hamat,” malamang na ito ay matatagpuan sa timugang bahagi ng Libis ng Beqaʽ, na nasa pagitan ng kabundukan ng Lebanon at ng Anti-Lebanon. Hindi matiyak ang eksaktong lokasyon nito.