Beta
Isang bayan na binanggit kasama ng Berotai noong talunin ni David si Hadadezer na hari ng Zoba. (2Sa 8:8) Hindi alam kung saan ang lugar na ito, bagaman ang Arameanong kaharian ng Zoba ay ipinapalagay na nasa dakong H ng Damasco. Sa isang katulad na ulat ng tagumpay ni David, “Tibhat” ang binabanggit ng 1 Cronica 18:8, at ipinapalagay ng ilang leksikograpo na Tibhat ang mas tamang salin. Sa Syriac na Peshitta, ang 2 Samuel 8:8 ay kababasahan ng “Teba” sa halip na Beta. Mapapansin na sa pamamagitan lamang ng pagpapalit sa puwesto ng unang dalawang katinig na Hebreo, ang Beta ay nagiging Teba. Yamang ang Beta (o Tibhat) ay isang Arameanong lunsod, iniuugnay ito ng ilang iskolar kay Teba, ang anak ni Nahor.—Gen 22:24; tingnan ang TIBHAT.