Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Betuel

Betuel

1. Pamangkin ni Abraham, anak ng kaniyang kapatid na si Nahor kay Milca. (Gen 22:20, 22) Naging anak ni Betuel sina Rebeka at Laban. (Gen 22:23; 24:15, 24, 29) Nang maglaon ay kinilala ni Betuel na ang Diyos ang nagdala sa alipin ni Abraham sa kaniyang tahanan sa paghahanap nito ng mapapangasawa ni Isaac. Sinabi nila ni Laban, “Kay Jehova nagmula ang bagay na ito.” (Gen 24:50) Si Betuel ay tinawag na Siryano o Arameano, palibhasa’y naninirahan sa patag na lupain ng Aram.​—Gen 25:20; 28:2, 5.

2. Ipinahihiwatig ng paghahambing sa mga talaan ng mga bayan sa Josue 15:30; 19:4 at 1 Cronica 4:30 na ang bayang ito ay tinawag ding Betul at Khesil. Ito’y nasa timugang bahagi ng teritoryo ng Juda ngunit iniatas sa tribo ni Simeon bilang isang nakapaloob na lunsod. Kaya, lumilitaw na ito rin ang “Bethel” na tinukoy sa 1 Samuel 30:27 bilang isa sa mga lugar na pinadalhan ni David ng ilang bahagi ng samsam bilang kaloob. Ipinapalagay na ito ay ang Khirbet el-Qaryatein (Tel Qeriyyot), na mga 19 na km (12 mi) sa T ng Hebron. Gayunman, mas pabor ang ilan sa Khirbet er-Ras (Horvat Rosh) na mga 24 na km (15 mi) sa dakong K ng lugar na iyon.​—Tingnan ang KHESIL.