Beulah
[Inaari Bilang Asawang Babae].
Isang salitang Hebreo (Beʽu·lahʹ) na sa ilang salin (AS; KJ; Ro) ay tinumbasan ng transliterasyon bilang isang pangalan sa Isa 62:4, samantalang sa ibang mga salin naman ay isinalin ito bilang “May asawa” (AT; RS), “Pinakasalan” (Le), “aking pinakasalang asawang babae” (Mo), at “Inaari Bilang Asawang Babae” (NW).
Ang espirituwal na babaing Sion ay mapapasa isang tiwangwang na kalagayan kasunod ng pagkawasak ng Jerusalem sa pamamagitan ng mga Babilonyo at ng lubusang pagkatiwangwang ng Juda. Gayunman, binigyang-katiyakan ng hula ng pagsasauli na ibinigay ni Jehova sa pamamagitan ni Isa 62; ihambing ang Isa 54:1, 5, 6; 66:8; Jer 23:5-8; 30:17; Gal 4:26-31.
Isaias, isa na may malaking kahalagahan para sa mga Judiong tapon sa sinaunang Babilonya at sa mga miyembro ng espirituwal na Israel, ang pagsasauli at muling paninirahan sa lupain, isang nagbagong kalagayan. Ang dating tiwangwang na Sion ay hindi na magiging isang “babae na pinabayaan nang lubusan,” at ang kaniyang lupain ay hindi na magiging tiwangwang, yamang pinangakuan ito: “Kundi ikaw ay tatawaging Ang Kaluguran Ko ay Nasa Kaniya [sa Heb., Cheph·tsi-vahʹ], at ang iyong lupain ay Inaari Bilang Asawang Babae [sa Heb., Beʽu·lahʹ]. Sapagkat si Jehova ay malulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay aariin bilang asawang babae.” Ang bumalik na “mga anak” ng Sion, na pinalaya mula sa pagkatapon sa Babilonya, ay muling mamamayan sa kaniya, anupat ‘aariin din siya ng mga ito bilang asawang babae.’ Ang pagsasauli ng Sion, o Jerusalem, ay nangahulugan ng isang bagong kalagayan para sa kaniya, isa na kabaligtaran ng kaniyang dating tiwangwang na kalagayan. Dahil sa isinauling kalagayang ito, ipinahayag ni Jehova, na nalulugod sa Sion, na ito ay tatawaging “Ang Kaluguran Ko ay Nasa Kaniya,” at ang lupain nito, “Inaari Bilang Asawang Babae.”—