Bezai
[pinaikling anyo ng Bezalel].
1. Isang Israelita na ang mga inapo na may bilang na mahigit sa 300 ay bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E.—Ezr 2:17; Ne 7:23.
2. Isa na may ganitong pangalan, o isang kinatawan ng ganitong grupo ng pamilya, na nagpatotoo sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” ni Nehemias—Ne 9:38; 10:1, 14, 18.