Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bigvai

Bigvai

1. Ninuno ng mga 2,000 “anak ni Bigvai” na bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. (Ezr 2:1, 2, 14; Ne 7:19) Nang maglaon, noong 468 B.C.E., marami pa sa kaniyang mga inapo ang naglakbay kasama ni Ezra.​—Ezr 8:1, 14.

2. Isa na pangunahing nakatalang kabilang sa mga bumalik sa Jerusalem mula sa pagkatapon sa Babilonya kasama ni Zerubabel.​—Ezr 2:1, 2; Ne 7:7.

3. Isa na may ganitong pangalan, o isang kinatawan ng grupo ng pamilya na binanggit sa Blg. 1, na nagpatotoo sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” ni Nehemias​—Ne 9:38; 10:1, 16.